Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2022

BLOG 1: Nanibago Ngunit Magaan Ang Puso - BLOG 2: Nag-migrasyon Para Magtrabaho

Imahe
  Nanibago Ngunit Magaan Ang Puso              Nakakatuwang malaman na may uuwi o darating tayong kapamilya na matagal na nating hindi nakikita at nakakausap sa personal. Iba pa rin kasi ang pakiramdam ng harapang komunikasyon. Umuwi galing Australia ang tiyahin ko noong nakaarang buwan. Taong 2016 ang huli niyang pag-uwi sa Pilipinas, ngunit ang mundo sa kasalukuyan ay iba na kumpara sa nakalipas na anim na taon.                Simula nang magkapandemya ay strikto na ang paggalaw ng mga tao. Bakunado naman na ang tiyahin ko pero kailangan niya parin magpa RT-PCR test. Ayon sa kanya, nakakapanibago raw. Wala namang mga tests noon. Dagdag gastos raw ito pero wala rin siyang magawa. Lahat tayo ay talagang may responsibilidad sa pandemyang ito. Hindi rin niya tinatanggal ang kanyang mask sa buong biyahe. Hindi masyadong nakikipag-usap sa ibang tao at palaging naglalagay ng alcohol. Saad ni Tita, medyo naprapraning daw siya kasi first time niya sumakay ng eroplano ngayong pandemya. Lahat