BLOG 1: Nanibago Ngunit Magaan Ang Puso - BLOG 2: Nag-migrasyon Para Magtrabaho

 


Nanibago Ngunit Magaan Ang Puso

            Nakakatuwang malaman na may uuwi o darating tayong kapamilya na matagal na nating hindi nakikita at nakakausap sa personal. Iba pa rin kasi ang pakiramdam ng harapang komunikasyon. Umuwi galing Australia ang tiyahin ko noong nakaarang buwan. Taong 2016 ang huli niyang pag-uwi sa Pilipinas, ngunit ang mundo sa kasalukuyan ay iba na kumpara sa nakalipas na anim na taon.

             Simula nang magkapandemya ay strikto na ang paggalaw ng mga tao. Bakunado naman na ang tiyahin ko pero kailangan niya parin magpa RT-PCR test. Ayon sa kanya, nakakapanibago raw. Wala namang mga tests noon. Dagdag gastos raw ito pero wala rin siyang magawa. Lahat tayo ay talagang may responsibilidad sa pandemyang ito. Hindi rin niya tinatanggal ang kanyang mask sa buong biyahe. Hindi masyadong nakikipag-usap sa ibang tao at palaging naglalagay ng alcohol. Saad ni Tita, medyo naprapraning daw siya kasi first time niya sumakay ng eroplano ngayong pandemya. Lahat na pwede niyang gawin para makaiwas sa virus at talagang ginawa niya. Nakakalito man raw ang proseso at nakakapagod pero ayon sa kanya, pursigido talaga siyang makauwi at makabisita rito sa amin kaya nagpatuloy siya.

            Pagdating raw niya sa Pilipinas ay nawala ang kanyang pagod. Iba pa rin daw rito sa atin. Hindi man katulad noon na nagtitipon-tipon ang buong pamilya, ang makauwi rito at magbakasyon ay sapat na raw. Ang saya ko na siya ay nakauwi. Isa siya sa mga paborito kong tao at ako’y nagagalak na nakabalik siya dito ng ligtas.


Nag-migrasyon Para Magtrabaho


        Simula bata pa ako ay nagtratrabaho na ang aking magulang sa ibang bansa. Pinili nilang mag migrasyon at maghanapbuhay sa ibang bansa kase di lubos na malaki ang kinikita nila dito sa ating bansang Pilipinas. Ang aking ina ay nasa bansang France at nagtratrabaho bilang tagapag-alaga ng mga tatlong bata. Hinahandaan niya ito ng pagkain, naglalaba din si Mama ng mga damit nila at hinahatid niya ito sa paaralan. Ang aking ama naman ay nakabase sa Dubai at umuwi na dito sa Pilipinas para alagaan at bantayan kaming magkakatapid. Umuwi si Papa noong 2013 kase inoperahan siya sa may bandang leeg. Sila ay nagsusumikap na magtrabaho para sa aming magkakapatid at para din matus-tusan ang pangangailang sa araw araw na buhay at sa paaralan. Ako ay saludo sa kanila at laging may umiiral yung respeto ko sa kanila. 

Mga Komento